Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017

Bagong Sirang Castilla Sorsogon - Tourist spots

Imahe
Ito ang tinatawag na "Apad-Apad", taglay nito ang mga batong kay papatag tulad ng mga tiles o bricks na ginagamit sa pagpapaganda ng bahay. Dahil sa kakaibang katangian nito marami ang pumupunta dito. Ito rin ay isang lilim na lugar kaya hindi ka masyadong iitim pag naligo ka sa dagat. Ito ang taglay na kagandahan ng islang tinatawag na Magpanday na matatagpuan sa Bagong Sirang, Castilla, Sorsogon - Bikol. Sa pagpunta rito kailangan mo sumakay ng isang bangkang de sagwan para mas ma-enjoy ang taglay nitong kariktan. Ito ang tinatawag naming "Floating Rock", dahil kung makikita nyo naman sa larawan mukang nakalutang ito. Ito ay may magaspang na tekstura kaya kung aakyat ka ingat-ingat lang. Ito ang tinatawag na "Waray Dahon" na ang ibig sabihin ay walang dahon. Waray Dahon dahil ito ay isang islang bato at lumulubog ito kapag high tide. Ito ay kalapit ng Magpanday at Waray Dahon at makikita mo ang matataas na damong nakatanim dito,