Bagong Sirang Castilla Sorsogon - Tourist spots

Ito ang tinatawag na "Apad-Apad", taglay nito ang mga batong kay papatag tulad ng mga tiles o bricks na ginagamit sa pagpapaganda ng bahay. Dahil sa kakaibang katangian nito marami ang pumupunta dito. Ito rin ay isang lilim na lugar kaya hindi ka masyadong iitim pag naligo ka sa dagat.

Ito ang taglay na kagandahan ng islang tinatawag na Magpanday na matatagpuan sa Bagong Sirang, Castilla, Sorsogon - Bikol. Sa pagpunta rito kailangan mo sumakay ng isang bangkang de sagwan para mas ma-enjoy ang taglay nitong kariktan.

Ito ang tinatawag naming "Floating Rock", dahil kung makikita nyo naman sa larawan mukang nakalutang ito. Ito ay may magaspang na tekstura kaya kung aakyat ka ingat-ingat lang.

Ito ang tinatawag na "Waray Dahon" na ang ibig sabihin ay walang dahon. Waray Dahon dahil ito ay isang islang bato at lumulubog ito kapag high tide.

Ito ay kalapit ng Magpanday at Waray Dahon at makikita mo ang matataas na damong nakatanim dito, sakto kapag mahilig ka kumuha ng larawan.


Ito ang sinasabi ko sa taas na "Magpanday", isang isla na may katangi-tanging mga hugis ng bato. Napapalibutan ito ng malalim na dagat kaya iilan lang ang naliligo rito. Karamihan ng pumupunta dito ay nililibot lang ang isla lulan ng isang bangkang de sagwan.

Ito naman ang nag-iisang beach sa Bagong Sirang na tinatawag na "Burubaybay". Taglay nito ang maliliit na batong kulay puti at malinaw na dagat. Sa gilid nito ay may batong malaki ( sa babang larawan ) na pwedeng akyatin at doon ay tumalon kasama ang iyong mga kaibigan.


Mga Komento